Posted in Blog, descriptive, discover, earth, english, envionment, essay, filipino, friendly, love, non-fiction, Poem, poetry, quotation, Romance, short story, Story, tagalog

RAIN-BOW

We were happy together. We got comfortable with each other that even flatulating, burfing, and munching loudly weren’t a big deal for us anymore. We were not getting turned off to whatever awkward deeds we were able to hear. We had struggles which we both got through and I wasn’t expecting us to break down.

Every single thing was like a calm sea that brought wild waves in an unexpected time; and all I could just remember was the roaring of sweet words and ‘I love you’s….until the deafening silence had shouted to my ears—not to yours I must think. Ut was like the sun that brights shine until heavy rain had fallen. I got wet but the water that my clothes sucked burden me. The rain stopped. I looked up above the gloomy heavens–expecting a rainbow to shape in arc. But it was sunlight that brightened me up and my shirt was dried anew.

Posted in Blog, english, filipino, gadget, love, non-fiction, quotation, Romance, short story, Story, tagalog, Uncategorized

Gadyet (Tagalog short story)

“GADGET”

by yours truly

“Taya ka, e! Ang daya naman!” Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang madalas na dialogue naming mga magkakalaro noon.

Nakadungaw ako sa bintana nang makita kong dumaan ang isa sa mga nakakalaro ko noong Grade 1 pa ako. Kung hindi ako nagkakamali ay Mich ang pangalan niya. Ang ganda ng porma niya, naka-earphones siya habang nakayuko at walang tigil sa kadudutdot sa cellphone niya. Noon palang ay rich kid na siya kaya naman halata sa mga gamit niyang branded ngayon na kung tutuosin ay nakasando’t shorts lamang kami noon at halos lupa ang aming nasa palad, imbis na cellphone.

“Lea,” napatingin ako sa ate kong nakatayo ngayon sa may pintuan. “Bili ka daw ng asukal sa tindahan, sabi ni mama.” Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at iniwan ang laptop at cellphone ko sa kwarto. Wala akong ganang gamitin sila ngayon.

Lumabas ako upang pumunta sa tindahan. Sa paglakad ko ay may napansin ako. Ang malungkot at walang katau-taong subdivision ang nilalakaran ko na parang umuusok ang daan sa sobrang init na dati ay binababaran lamang namin noong naghahabulan pa kami sa daan kahit na pawis na pawis at amoy araw kami.

“Nanay Lina,” tawag ko sa tindera ng kaisa-isang tindahan na malapit sa amin. “Pabili po ng isang kilong asukal.” Nawili ako sa mga nakasabit na chichirya at mga candies na naka-display sa harapan ko ngayon. “Pati na rin po pala ng Sugo at limang pisong Fruitos.”
“Lola! Si mama nasa Skype, gusto kang kausapin!” Boses ng isang binata na nagmumula sa loob ng bahay ang aming narinig.

“Naku, sandali lang hija ah? Madalang lang kasing makatawag ang anak ko. Buti na lamang ay may Skype. Ang apo ko na muna ang bahala sa’yo ha? Clark!”  tawag ni Nanay Lina habang papasok sa loob.
Habang hinihintay ang apo niya upang ibigay ang mga gusto kong bilhin ay napasilip ako sa may bintana ng isang bahay malapit sa tindahan. Nakita kong may dalawang bata ang naghahabulan hanggang sa sila na lumabas ng terrace. Isang babae at isang lalaki.
“Huwag na kayong lumabas!” narinig ko mula sa loob bago lumabas ang isang babaeng ka-edad ni mama. “Pumasok na kayo, mainit diyan. Ayun na, nakaset na ‘yung video game niyo. Pasok na.” Sumunod na sa loob ang dalawang bata bago isinara ng babae ang pinto.

“Ano nga kasi ang binibili mo?” Napatingin ako sa isang pamilyar na lalaki sa loob ng tindahan at ngumiti. Makakapal ang kilay niya at matangos ang ilong. Nagmature na rin pala ang itsura niya. Naaalala ko noong tinulungan niya akong tumayo mula sa pagkakadapa noong naglalaro kami ng langit lupa. Nagmamadali kasi akong tumuntong sa may malaking bato pero natapilok ako, dahilan para tumama ang tuhod ko sa bato.
“Isang kilong asukal, Sugo at limang pisong Fruitos. Hindi ka nanaman nakinig sa lola mo.” Natawa ako no’ng mapakamot siya sa ulo.

“Oo nga pala,” sabi niya.
Tinitignan ko lamang siya habang kinukuha ang mga binibili ko. 
“Hindi pa rin ba umuuwi ang parents mo?

“Isasama na nila ako doon,” sabi niya kasabay ng pagbigay niya ng mga pinamili ko at pagkuha ng aking bayad na siyang ikinalungkot ko.

“Doon na kayo titira? Paano ang lola mo?” tanong ko nang may pag-aalala.

“May skype naman daw sabi nila mama.” Nagkibit-balikat naman siya habang nagbibilang ng panukli at ibinigay sa akin. Para bang hindi na siya close sa akin tulad noong magkalaro pa kami. Nagpabuntong hininga nalang ako bago bumalik sa bahay.

Pagkapasok ko sa gate ay kaagad na nakita ko si ate sa may terrace at naglalaptop habang naka-earphone. “Nasa kusina si mama,” sabi niya nang hindi tumitinag mula sa pagkatitig niya sa screen ng laptop.

Ibinigay ko kay mama sa kusina ang asukal at ang sukli bago pumasok ulit sa kwarto. Narinig kong nagpop ang message ko sa facebook at dali-dali kong tinignan.

Si ate?

“May swimming daw tayo bukas sabi ni tita Shawn, sabihin mo kay mama,” pagbasa ko ng malakas. Ang tamad naman nitong si ate para sabihin sa akin ng personal. Samantalang nasa kwarto lang naman ako.

Nagtype ako para magreply. Para saan? Para datnan ang mga pinsan kong puro groupfie at selfie na kung tutuosin ay pwede namang maging memorable kahit walang camera? Para masilayan ang pagcapture nila sa mga pagkain at sa tubig na pwede namang enjoying titigan at kainin? Para makita silang online para magpost ng photos habang kasalukuyan pa rin silang kasama na pwede naman nilang i-share sa isa’t isa on that time? Para makausap lang sila kapag may itatanong at may ipapaabot kahit gusto mo nang matino at masayang kwentuhan? Ayoko no’n. Sana bata nalang kami ulit. “Hindi ako sasama,” reply ko.

© ReymbowNarrow